Drugs suspek, patay matapos mabaril ng pulis sa Pasay

Manila, Philippines – Patay ang isang hinihinalang drug personality matapos mabaril ng isang pulis na tinangka nitong saksakin sa lungsod ng Pasay.
Ayon kay PO2 Jay Ar Orada ng Pasay City Police, angnapatay ay nakilala lamang sa alyas na “Mark.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na  nag-check in sa Rotonda Hotel si “Mark” kasama ang isang GRO na si Jenny Opril at sa hindi malamang kadahilanan ay bigla nitong pinagsusuntok ang babae at sinaksak pa ng dalawang beses sa likod.
Nakahingi pa ng saklolo sa kanyang kaibigan si Jenny nasiyang humingi naman ng tulong kay PO2 Orada kaya’t rumesponde ito sa insidente.
Gayunman, maging ang pulis ay inundayan din ng saksak at tinamaan ito sa tiyan dahilan upang mapilitan itong barilin na nag resulta sa kanyang kamatayan.
Isang kutsilyo naman at aluminium foil na hinihinalang drug paraphernalia ang nakuha ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente nahinihinalang pag-aari ng napatay na suspek.
Kasalukuyan pa ring ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang babaeng biktima.

Facebook Comments