LALARGA NA | MICAB, pinayagan na mag-operate ng LTFRB

Isa pang Transport Network Company ang pinayagang mag-operate ng LTFRB.

Kinumpirma mismo ni LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada ang pagbibigay nila ng accreditation sa MICAB Systems Corporation na isang taxi-hailing app.

Epektibo ang accreditation nito sa loob ng dalawang taon.


Bukod sa MICAB, nauna nang pinayagang mamasada ng ltfrb ang TNVS na Hype, HirNa at u-Hop na pawang mga kakompetensya ng Grab.

Facebook Comments