Hindi pa lilalagay ng Commission on Elections (Comelec) ang lalawigan ng Abra sa red category para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Ito ang nilinaw ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na sa gitna ng mga ulat na mahigit 100 kandidato sa Abra ang nag-withdraw ng kanilang kandidatura.
Gayunman, sinabi ni Garcia na may mga pulis na sa Abra na sinasanay upang magsilbing election board of canvassers sa idaraos na halalan ng barangay sa October 30.
Kinumpirma nito na may 93 na Philippine National Police (PNP) personnel ang inihahanda na bilang election board of canvassers.
Sa ilalim ng red category, ang isang lugar ay isinasailalim sa kontrol ng Comelec.
Facebook Comments