Lalawigan ng Cagayan, Nasa Ilalim na ng State of Calamity!

Cagayan Valley- Nasa ilalim na ng State of Calamity ang lalawigan ng Cagayan Valley matapos mapinsala ang maraming mga ari-arian at mga kabuhayan ng mga tao rito sa pananalasa ng bagyong Ompong.

Sa naganap na pagpupulong ng mga Sanguniang Panglalawigan ng Cagayan sa pangunguna ni Vice Governor Melvin Vargas Jr. kanina ay pinag-usapan dito ang pagdedeklara ng state of calamity sa naturang lalawigan.

Na naging panayam ng RMN Cauayan kay Vice governor Vargas ay sinabi nito na nagagalak umano sila dahil nagsumiti na ng kanyang report kanina ang butihing ama ng Cagayan na si Gov. Manuel Mamba kaugnay sa deklarasyon ng State of Calamity.


Kaugnay nito ay tuloy-tuloy naman ang ginagawang aksyon ng pamahalaaang panlalawigan ng Cagayan upang tugunan ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Samantala, idineklara naman kanina na walang pasok ang lahat ng antas ang mga mag-aaral ng pampubliko at pampribadong paaralan sa Cagayan bukas, Setyembre 17, 2018.

Sa ngayon ay wala din umanong suplay ng kuryente ang buong Cagayan dahil parin sa pinsalang dulot ng bagyo sa sector ng enerhiya at sa ngayon ay sinisikap parin umanong unahing ibalik ang linya ng kuryente sa Tuguegarao na inaasahang bukas matatapos bago isunod ang iba pang mga lalawigan.

Facebook Comments