Lalawigan ng Cagayan, Walang Pasok Dahil sa Baha

Tuguegarao City, Cagayan – Patuloy na suspendido ang klase sa lahat ng antas sa araw ng Martes, Nobyembre 7, 2017 sa Cagayan mapa-publiko o pribado man na eskwelahan.

Kasama din sa walang pasok ang mga nasa graduate, medical at law schools.

Ito ay batay sa rekomendasyon ng Provincial Climate Change and Disaster Risk Reduction Management Office (PCCDRRMO) sa pamahalaang panlalawigan ng Cagayan.


Ang suspensiyon ay ipinag-utos ni Cagayan Governor Manuel Mamba dahil sa malawakang pagbaha bunsod ng pag-apaw ng Ilog Cagayan at mga tributaryo nito.

Ayon sa paabisong ipinaabot ni Ginoong Rogelio Sending, ang OIC-Provincial Information Officer ng Cagayan ay mananatili ang suspensyon hanggat hindi ito binabawi ng tanggapan ng Gobernador.

Facebook Comments