Lalawigan ng Capiz, isinailalim na sa State of Calamity dahil sa pinsalang iniwan ng Bagyong Agaton

Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Capiz dahil sa naranasang malawakang pagbaha matapos ang pananalasa ng Bagyong Agaton.

Marami sa mga residente sa 16 na bayan ang na-trap sa mga bubong at sa kanilang mga bahay.

Ayon sa Provincial Government ng Capiz, pumayag ang Provincial Board na maglabas ng P10,491,000 na pondo upang mabigyan ng tulong ang mga apektadong residente.


Dagdag pa, pinahintulutan na rin na pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa Philippine Red Cross (PRC) para mangasiwa sa calamity funds ng lalawigan.

Samantala, ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Executive Officer Judy Grace Pelaez, nasa 19 na indibidwal na lamang ang nananatili sa isang evacuation center sa bayan ng Dumarao.

Facebook Comments