*ISABELA-* Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala para gawing anim na distrito ang Isabela.
Ito ay kinumpirma ni Board Member Fred Alili, na naipaabot na sa kanya nina Gobernador Faustino “Bojie” Dy III at Bise Gobernador Tonypet Albano ang balita na pagkakapirma ng Republic Act 11080 na may titulong “An Act reapportioning the Province of Isabela into six (6) Legislative Districts”.
Dahil dito ay magiging anim na ang apat na dating distrito ng Isabela.
Batay sa nilalaman ng RA 11080, ang mga sumusunod na bayan ay nasa ilalim ng unang distrito: Ilagan City, Cabagan, Delfin Albano, Divilacan, Maconacon, Tumauini, San Pablo , Palanan, Sta Maria at Sto Thomas.
Ang mga bayan na magiging segunda Distrito ay: Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, San Mariano at Gamu.
Ang mga bayan naman na papaloob sa ikatlong distrito ay mga bayan ng Alicia, Cabatuan, San Mateo, Ramon at Angadanan.
Ang ika-apat namang distrito ay Santiago City, Cordon, Dinapigue, San Agustin at Jones.
Ang 5th District ay mga bayan ng Aurora, Burgos, Luna, Mallig, Quezon, Quirino, Roxas at San Manuel.
At ang ika-anim na distrito ay kabibilangan ng lungsod ng Cauayan at mga bayan ng Echague, San Guillermo at San Isidro.
Daghil dito, sa susunod na halalan sa May 13, 2019 ay boboto ang mga Isabelino ng kabuuang anim na legislative representative na kakatawan sa ating Lalawigan.