Cauayan City, Isabela – Ginawaran ng karangalan ang lalawigan ng Isabela sa pang-apat na pagkakataon sa Seal of Good Local Governance Award 2018 ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay ginoong Romy Santos, ang media consultant ng pamahalaang panlalawigan ng isabela na ang SGLG award ay ibinibigay umano sa lahat ng local government units na may mahusay na pangangasiwa o pamamahala sa kanilang lugar.
Aniya sa buong lambak ng Cagayan ay dalawang probinsya lamang ang nabigyan ng parangal kung saan ay isa na dito ang lalawigan ng Isabela at Quirino Province.
Sinabi pa ni ginoong Santos na patuloy bilang awardee ang lungsod ng Cauayan, Ilagan at Santiago City habang nabigyan din ng parangal ang mga bayan ay Alicia, Angadanan, Benito Soliven, Cabagan, Delfin Albano, Echague, Luna, Naguilian, San Mateo, San Mariano at Tumauini.
Paliwanag pa ni ginoong Romy Santos na may mga naging pamantayan umano upang mabigyan ng karangalan mula sa DILG kung saan ang isang LGU’s may maayos na pagpapatakbo at paggamit ng pananalapi, disaster preparedness o paghahanda para maibsan ang epekto ng anumang kalamidad, social protection, peace and order, business competitiveness, environmental management at ang tourism culture and the arts.