Cauayan City, Isabela- Nakaalerto na ang pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa pananalasa ng bagyong Ramon.
Simula pa noong isang araw ay nakahanda na ang pamahalaang panlalawigan matapos ang pagpupulong ng Provincial Disaster Risk Reduction Council (PDRRMC) Isabela para paghandaan ang pagtama ng bagyo sa Lalawigan lalo na sa mga nasa coastal towns.
Patuloy rin ang ginagawang pagpupulong ni Atty. Noel Lopez, Provincial Administrator ng Isabela kay Ret.Col. Basilio Dumlao at miyembro ng PDRRMC upang i-monitor ang kalagayan ng mamamayan sa pamamagitan ng pakipagkoordinasyon sa bawat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ito ay dahil din sa target na ‘zero casualties’ sa pagtama ng bagyong Ramon.
Kaugnay nito, handa na rin ipamigay ang mga nakaimbak na relief goods sa mga ililikas na residente sa mga apektadong lugar.
Samantala, ipinagbawal na rin ang pagpapalaot at paglayag ng mga mangingisda sa karagatan at mahigpit na rin pinaiiral ang liquor ban sa Lalawigan.