Lalawigan ng Isabela, May Pinakamataas na Bilang ng Index Crime sa 3rd. Quarter ng Taong 2018!

Cauayan City, Isabela – Inihayag ng Regional Peace and Order Council (RPOC) na ang lalawigan ng Isabela ay may pinakamataas na bilang ng index crime sa 3rd. quarter ng taong 2018.

Sa ginanap na pulong ng RPOC sa Ilagan City, Isabela, sinabi ni Police Superintendent Roberto Bucad na nangunguna ang Isabela na may index crime na 155, sumunod ang Cagayan na may 153, sa Nueva Vizcaya ay 123, Santiago na 58, Quirino 37, at dalawa lamang sa lalawigan ng Batanes.

Aniya ang index crime ng rehiyon dos ay may kabuuang 531 insidente at bumaba ng 96 kumpara sa 627 sa kaparehong period ng taong 2017.


Sa kabuuan ay mayroon umanong 342 crimes against person, 129 crimes against property, 240 sa physical injury, 82 sa theft, 58 robberry, 50 sa murder, 45 sa carnapping, 41 parin sa rape, 11 sa homicid at cattle rustling ay apat lamang kung saan lahat umano ng index crime ay bumaba maliban na lamang sa kaso ng carnapping na tumaas ng dalawampung bilang kumpara noong nakalipas na taon.

Samantala ang peace and order situation umano ay may kabuuang 2,460 na crime incidents at bumaba umano ito ng 326 na insidente sa 3rd. quarter kumpara noong taong 2017 na may 2,786 na karamihang sangkot umano dito ay mga nagtutulakat gumagamit ng droga sa rehiyon dos.

Facebook Comments