Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Leyte dahil sa pinsalang idinulot ng Bagyong Agaton.
Ayon sa Sangguniang Panlalawigan ng Leyte, ang pagdedeklara ng state of calamity ay upang magamit ang calamity funds sa pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhang pamilya.
Dahil sa pag-uulan na dulot ng bagyo, nagkaroon ng landslide at malawakang pagbaha sa ilang bayan sa probinsiya na ikinasawi ng maraming residente.
Batay sa datos ng lokal na pamahalaan ng Baybay City, umabot na sa 123 ang bilang ng mga namatay nilang residente dahil sa pagguho ng lupa.
Habang nasa 179 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa bagyo ayon sa Office of Civil Defense Region 8.
Facebook Comments