Lalawigan ng Misamis Oriental, nakamit na ang herd immunity kontra COVID-19

38

Nakamit na sa Misamis Oriental ang herd immunity laban sa covid 19.

Ayon kay Misamis Oriental Governor Bambi Emano, umabot na sa 496,713 na mga indibidwal ang nabakunahan laban sa COVID 19.

Katumbas ito ng 72.88 percent mula sa target na bakunahan na 681,571 katao.


Ito na rin ay base sa guidelines ng National Inter-agency Task Force kung saan makakamit ng isang lugar ang herd immunity kapag nabakunahan na ang 70% ng general population ng naturang lugar.

Sa kabila nito, nanawagan si Governor Emano sa taumbayan na sumunod sa health protocol laban sa COVID-19 dahil hindi garantiya ang bakuna na hindi na ito madapuan ng nasabing virus.

Facebook Comments