Northern Mindanao, hindi nakamit ang daily target na mabakunahan sa National Vaccination Days

42

Hindi nakamit ng Northern Mindanao ang daily target na mabakunahan para sa national vaccination days.

Ayon sa Department of Health (DOH) Region 10, umabot lamang sa 39.76% o mahigit 94-thousand na indibidwal lamang ang nabakunahan sa unang araw ng Bayanihan, Bakunahan.

Napag-alaman na target sana ng DOH na mabakunahan ang mahigit 249-thousand na indibidwal sa loob lamang ng isang araw.


Dahil dito patuloy na nananawagan ang DOH sa publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19 bilang proteksyon at sumunod sa BIDA Solusyon kahit bakunado na.

Facebook Comments