LALAWIGAN NG PANGASINAN, ISINAILALIM SA SIGNAL NO. 1 DAHIL SA BAGYONG EGAY; PANGASINENSE, PINAALALAHANANG MAGING HANDA

Isinailalim kahapon ang lalawigan ng Pangasinan sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 base sa pinakahuling monitoring ng PAGASA sa bagyong Egay, at alinsunod dito ay mas pinagiigting ng awtoridad ang pagbibigay paalala sa mga Pangasinense na maging handa at alerto sa maaaring epekto ng kalamidad.
Inaasahan ang lakas ng hangin na 150km/h at ang pagbugsong nasa 185 km/h habang binabagtas nito ang lokasyon na nasa 525 km East of Baler, Aurora.
Muling pinaalalahanan ang mga Pangasinense na umantabay sa mga weather update at advisories upang malaman ang mga kinakailangang detalye para sa paghahandang isasagawa.

Pinayuhan din ang mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) na manatiling maging aktibo at alerto sa kalagayan ng kani-kanilang nasasakupan.
Pinaalalahanan din ang pagiging maalam sa lokasyon ng pinakamalapit na evacuation center upang ay maging handa sakaling kinakailangan ng paglikas. |ifmnews
Facebook Comments