Base sa datos ng Department of Agriculture at Philippine Statistics Authority, ay pang-apat ang rehiyon Uno na may pinakamalaking prodyuser ng palay sa bansa at ang Pangasinan ang nangungunang contributor nito na may higit sa 1.2 milyong metriko tonelada (MT).
Ito ay base sa inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) – Regional Statistics Services Office 1 sa kanilang Agricultural Statistics and Labor Force survey Results Data Dissemination nitong lamang Martes, Mayo 30.
Base sa datos nakapagtala ang rehiyon ng nasa %9.95-share sa produksyon ng palay sa buong bansa o katumbas ng 1.97 million MT ng ani ng palay noong 2022.
Sa tala ng DA Region 1, nangunguna ang Pangasinan na may pinakamataas na produksyon, sinundan ng La Union.
Nakapagtala rin ng pagtaas sa produksyon ng palay ang dalawang lalawigan kumpara noong nakaraang taon.
Nagtala ang Pangasinan ng 4.84-percent na pagtaas ng ani kung saan noong 2021, nakapagtala ang lalawigan ng 1, 162, 636 MT, at 1, 218, 933 MT noong 2022.
Nagtala ang La Union ng 8.48-percent na pagtaas sa ani ng palay mula 2021 na may 157, 881 MT, at 2022 na may 171,276 MT.
Samantala sinabi ni Jin Pulmano ng Department of Agriculture Region I habang tumataas ang produksyon ng palay, bumaba ang produksyon ng iba pang mga kalakal sa rehiyon dahil lumipat ang mga magsasaka sa iba pang mga pananim na nakakakita ng mas mataas na demand.
Sa ngayon, marami nang magsasaka ang unti-unti nang nag-uumpisa sa pagtatanim ng palay dahil pormal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan. |ifmnews
Facebook Comments