*Cauayan City, Isabela-* Magkakaroon ng Malawakang brownout bukas, Hulyo 12, 2018 sa buong Probinsya ng Quirino at ibang parte dito sa Lalawigan ng Isabela particular sa Lungsod ng Santiago at bayan ng Cordon na sakop ng ISELCO 1.
Ito ang kinumpirma ni *Ms. Lilibeth Gaydowen, ang tagapagsalita ng National Grid Corporation of the Philippines* (*NGCP*) sa naging panayam ng RMN Cauayan na magsisimula ang malawakang brownout bukas mula alas sais ng umaga hanggang alas singko hapon sa buong probinsya ng Quirino at ilang parte sa Santiago City at bayan ng Cordon, Isabela.
Aniya, bahagi ito sa kanilang taunang maintenance upang tiyakin na nasa maayos na kalagayan ang mga kawad ng kuryente na sakop ng ISELCO 1.
Samantala, Inihayag rin ni Ms. Gaydowen na nitong nakaraang summer umano ang may pinaka mataas na paggamit ng kuryente dahil sa init ng panahon subalit mayroon naman umanong isinasagawang preventive measures ang NGCP upang mabigyan pa rin ng sapat na supply ng kuryente ang lahat ng nasasakupan ng NGCP.