Cauayan City, Isabela- Pormal nang idineklara ang Probinsya ng Quirino bilang ‘DRUG-CLEARED PROVINCE’ sa buong Cagayan Valley region ngayong araw.
Ito ay matapos pangunahan ang deklarasyon ni PDEA Director General Wilkins Villanueva sa kanyang pagbisita sa rehiyon dos.
Ayon kay Villanueva, kinakailangan pa rin na tuluyang masugpo ang laban kontra sa iligal na droga sa iba pang natitirang bayan at probinsya hindi lamang sa rehiyon maging sa buong bansa.
Maliban sa probinsya ng Quirino, idineklara rin ngayong araw ang anim (6) na bayan sa Isabela, 1 sa Cagayan at 92 na mga barangays regionwide.
Ayon naman kay Provincial Director PCOL. Renato Mallonga ng Quirino, hindi pa rin sila titigil na magbantay sa probinsya para hindi na muli magkaroon pa ng presensya ng droga sa lalawigan.
Aniya, ang laban sa iligal na droga ay upang maiiwas ang mga kabataan at iba pang sektor ng lipunan sa mas maayos na komunidad.