Lalawigan ng Quirino, Nakapagtala ng unang kaso ng COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng kauna-unahang kumpirmadong kaso ng coronavirus ang Lalawigan ng Quirino ngayong araw.

Ayon kay Health Education and Promotion Officer Pauleen Atal ng DOH Region 2, isang 24-anyos na babae mula sa Bayan ng Cabarroguis.

Ayon sa ahensya, walang kasaysayan ng pagbiyahe sa kahit anong may positibong kaso ng COVID-19 ang dalaga.


Nakuhanan ng swab test ang pasyente nitong nakaraang huwebes, Agosto 6 hanggang sa lumabas ang resulta ngayong araw.

Nananatiling asymptomatic ang pasyente na nasa pangangalaga ng Southern Isabela Medical Center.

Samantala, nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga positibong kaso ng virus ang DOH na umabot sa 66 na kinabibilangan ng 50 mula sa Isabela, 11 sa Cagayan,at 4 mula sa Nueva Vizcaya.

Sa ngayon ay tanging Lalawigan ng Batanes nalang ang nananatiling COVID-19 Free sa buong bansa.

Facebook Comments