South Cotabato, Philippines – Nakahanda sa anumang banta sa seguridad ang lalawigan ng South Cotabato kasunod ng deklarasyonng martial law sa buong Mindanao.
Sa ngayon wala naman umanong direktang bantaang lalawigan mula sa teroristang Maute Group.
Subalit ayon kay South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes naghahanda sila sa posibleng worst case scenario na mangyari.
Kaugnay nito, pinahahandang opisyal ang iilang opisinang local na pamahalaan at siguraduhing may sapat na gamot, bigas at relief goods sakaling may mangyaring kaguluhan at para sa magsilikas na mga residente.
Pinaplano din nila ayon sa gobernadora ang pagbili ng dagdag na mga dekalibreng baril para sa mga kapulisan.
DZXL558, Eden Canete
Facebook Comments