LALAYASAN | Joint session sa Lunes, posibleng layasan ng mga senador

Manila, Philippines -Tiyak lalayas ang mga senador at magiging magulo ang nakatakdang joint session ng Senado at Kamara sa Lunes, July 23, para pakinggan ang State of Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, ito ang mangyayari kapag biglang iko-convene ang joint session sa Lunes ng hapon bilang constituent assembly o con-ass.

Ang con-ass ay isa sa mga proseso para maisagawa ang charter change o cha-cha na sya magiging daan sa pagpapalit sa porma ng gobyerno patungong federalism.


Giit ni Zubiri, kung may ganyang plano ay hindi dapat ituloy dahil hindi tama at magdudulot lang ng kontrobersiya.

Facebook Comments