Ito ang kinumpirma ni Dr. Manuel Galang ng Department of Agriculture (DA) Region 2 sa katatapos na Tipon-Tipan sa PIA.
Ayon sa kanya, ginagawa ng kanilang ahensya ang lahat upang maiwasan na hindi makapagtala ng kaso ng bird-flu sa rehiyon.
Isa naman aniya sa problema ang dumaraming nagpapastol ng mga itik sanhi ng pagkakaroon ng ‘commingling’ partikular sa rice field kung saan namamalagi ang migratory birds.
Malaki naman aniya ang tyansa na tumama ang Avian Influenza virus sa rehiyon dos lalo na sa mga alagang itik na posibleng maging ‘carrier’ ng sakit at maaaring hindi magpakita ng anumang sintomas.
Sa kasalukuyan, target ng ahensya na bantayan ang mga alagang itik dahil sila ang posibleng magdala ng bird-flu virus sa rehiyon.
Samantala, hinihintay pa ang paglabas ng resulta ng mga blood sample na kinuha mula sa Brgy. Basao, Gattaran, Cagayan partikular sa ‘Basao Lake’ upang matukoy kung ang mga nakuhanang dugo mula sa mga alagang hayop ay may dalang virus.
Umaasa naman ang ahensya na magiging negatibo ang resulta ng isinagawang pagsusuri sa mga ito.