Cauayan City, Isabela- Nasa ilalim na ng Critical Epidemic Risk Classification ang kabuuan ng Lambak ng Cagayan base sa pinakahuling datos ng DOH Region 2 nitong ika-14 ng Enero taong kasalukuyan.
Nasa Critical Risk din ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya kabilang ang mga lungsod ng Tuguegarao, Cauayan, Ilagan at Santiago.
Ayon sa DOH 2, ang mga nabanggit na lugar ay nasa kategorya ng ‘critical’ matapos makapagtala ang mga ito ng mataas na “growth change rate” sa kanilang mga aktibong kaso ng COVID-19.
Nasa High Risk naman ang lalawigan ng Batanes kung saan tumataas pa rin ang bilang ng aktibong kaso sa nakalipas na dalawang linggo o mataas ang Average Daily Attack Rate sa nasabing probinsya.
Sa pinakahuling datos ng DOH Region 2 as of January 16, 2022, lalo pang tumaas sa 6,054 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong lambak ng Cagayan.
Facebook Comments