Lambak ng Cagayan, Walang Naitalang COVID-19 Related Death

Cauayan City, Isabela- Walang naitala na bagong kaso ng namatay sa COVID-19 ang buong Lambak ng Cagayan.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2, nananatili pa rin sa 1,406 ang bilang ng namatay sa COVID-19 sa rehiyon.

Mayroon namang 212 ang naitalang bagong tinamaan ng sakit, habang may 320 ang bagong nakarekober sa COVID-19.


Bahagya namang bumaba sa 2,353 ang bilang ng aktibong kaso mula sa kabuuang bilang ng nagpositibo na 53,127.

Mula sa total confirmed cases, 49,354 na rito ang idineklarang gumaling.

Samantala, pinakamarami pa rin ang Cagayan sa may mataas pinakamataas na bilang ng aktibong kaso na 1,336; sumusunod ang Isabela na may 605; pangatlo ang lalawigan ng Nueva Vizcaya na 344; mayroon pang 52 ang Quirino samantalang isang (1) aktibong kaso na lamang sa Batanes.

Facebook Comments