Hindi na lamang kriminal ngayong ang pinupuksa ng mga elemento ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao Police kundi maging ang mga lamok na nagdadala ng Dengue.
Mismong si DOS MPS Chief of Police PMajor Erwin Tabora kasama si Deputy COP Cpt. Paisal Macmod ang nanguna sa isinagawang clean up drive sa ibat ibang bahagi ng bayan.
Sinasabing layunin nito ay para masira ang mga maaring breeding areas o mga pinamumugaran ng mga lamok na nagdadala ng Dengue.
Sama-sama ang mga elemento ng DOS MPS sa clean up drive base na rin sa naging direktiba na rin ng DOS LGU.
Kaugnay nito, nauna na ring inihayag ng DOH na panatilihing malinis ang kapaligiran upang maiwasan ang sakit ng Dengue.
Sa Maguindanao, base sa record ng IPHO, nangunguna ang bayan ng DOS na may pinakamaraming naitalang kaso ng Dengue simula noong buwan ng Enero 2019, karamihan dito ay nagmumula sa Awang Area.
Lamok na carrier ng Dengue kabilang sa Target na rin ng mga Kapulisan sa Maguindanao
Facebook Comments