Lanao del Norte – Tumutol na mapabilang ang Lanao del Norte sa itatatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Joseph Cuevas, provincial election supervisor sa Lanao del Norte, nanalo ang “yes” sa anim na bayan at sa tatlong iba pa pero 13 o mas maraming bayan sa lalawigan ang bumoto ng “no,”.
Kasabay nito, nakiusap naman si Lanao del Norte Governor Imelda Dimaporo sa mga tagasuporta ng Bangsamoro Organic Law (BOL) na maging mahinahon at tanggapin at respetuhin ang resulta ng botohan.
Dadalhin ang resulta sa Comelec National Board of Canvassers sa Intramuros, Maynila para maging opisyal ang resulta ng plebisito.
Sa ngayon, mapapabilang sa BARMM ang Cotabato City, Basilan (maliban sa Isabela City), Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi.