Lanao Del Sur hiniling na muling isailalim sa ECQ

Hiniling ng Lanao del Sur-IATF sa BARMM-IATF na ibalik sa Enghanced Community Quarantine o ECQ dahil sa dumaraming bilang ng confirmed covid-19 cases sa probinsya kabilang na ang Marawi City.
Nakapagtala rin ang lalawigan at ang lungsod ng 21 local transmission, ang mga ito ay walang exposure sa covid-19 patient, walang travel history sa ibang lugar.
Ayon kay BARMM Cabinet Sec/Inter Agency Task Force on Covid-19 Mohd Asnin Pendatun, habang tatalakayin pa ng BARMM-IATF ang naturang kahilingan at hihintayin pa ang desisyon at approval ng National-IATF ay may measures namang pwedeng ipatupad ang pamahalaang lokal ng Lanao del Sur at Marawi City alinsunod sa kasalukuyang guidelines.
Maari anyang magpatupad ng mas istriktong community quarantine sa mga barangay o sitio na may mataas na kaso ng covid-19.
Sa kasalukuyan ay mahigit 200 kaso na ng covid-19 ang naitatala sa Lanao del Sur at Marawi City.
Ayon pa kay Pendatun, halos kalahati ng covid-19 cases sa BARMM ay galing sa naturang mga lugar.
Ipinaliwanag din ni Pendatun kung ano ang mga basehan ng pagdedeklara ng pagkakaroon ng local transmission.
Una, walang “known travel history” ang pasyente sa mga area na maraming kaso ng covid-19 tulad ng Cebu City, Manila o Davao.
Pangalawa, kung ang pasyente ay walang close contact sa confirmed covid-19 patient.
Dahil sa pagkakaroon na ng local tranmission at pagdami pa ng bilang ng covid-19 cases sa Lanao del Sur at Marawi city, nananawagan si Pendatun sa mga residente na kailangang seryosohin ang pagsunod sa mga itinakdang health protocols.
Iwasan na muna ang paglabas ng bahay kung hindi naman importante ang pupuntahan.
Lumabas lamang kung bibili ng gamot, pagkain at emergency.
Sa pamamagitan anya nito ay makakatulong ang mamamayan upang hindi na lumaganap pa ang covid-19 sa kanilang lugar.
Samnatala, nagpapatupad naman ng contact tracing ang PGO LDS mula sa mga nakasalimuha ng 21 mga bagong nagpositibo sa Covid-19 na wala namang mga travel history.(Daisy Mangod)

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments