Tsismoso, Pinagsasaksak sa Tagiliran, Patay

34

Cauayan City, Isabela- Pinagsasaksak ng ginang ang isang lalaki matapos umanong ipagkalat na nakuha na ng biktima ang pagkababae nito at mauwi sa pagtatalo sa Brgy. Rogus, Cauayan City, Isabela nitong sabado, August 8.

Kinilala ang nasawing biktima na si Oscar Garcia, nasa tamang edad at residente sa Bayan ng San Mariano, Isabela.

Ayon kay Ginang Anita Palalay na residente ng La Paz, Cabatuan, Isabela, akmang susuntukin ito ng lalaki kung kaya’t agad naman itong nakakuha ng patalim na ipinansaksak sa kaliwang tagiliran ng lalaki.

Depensa ng Ginang, ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili lalo pa’t pinapangalagaan lang aniya nito ang kanyang dangal.

Giit pa ni Palalay, wala siyang pinagsisisihan sa kanyang ginawa dahil at handa rin umano nitong harapin ang kasong isasampa laban sa kanya.

Una nang nanindigan ang suspek na wala silang relasyon ng biktima kung kaya’t laking gulat nito ang pagkakalat ng maling impormasyon lalo pa’t maselang usapin ang pinagmulan ng insidente.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya ang ginang na nakatakdang magkaroon ng dayalogo sa dating asawa ng biktima.




Facebook Comments