Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, naghain ng motion for reconsideration sa Court of Appeals

54

Manila, Philippines – Pinababaligtad ni U.S. LanceCorporal Joseph Scott Pemberton sa Court of Appeals  ang desisyon nito napabor sa kanyang conviction kaugnay ng pagpatay sa transgender na si Jeffrey“Jennifer” Laude noong October 2014.
 
Ito’y matapos maghain ang kampo ni Pemberton ng motionfor reconsideration sa C.A.
 
Nabatid nitong Disyembre 2014 nang mahatulan si Pembertonna makulong ng 6 hanggang 10 taon ng Olongapo City Regional Trial Court branch74.
 
Iginiit ni Pemberton na self-defense ang nangyari nangsampalin siya ni Laude matapos niyang matuklasan na hindi ito babae.
 
Kasalukuyang nakakulong si Pemberton sa isang restrictedfacility sa Camp Aguinaldo.
 

Facebook Comments