Mahigit 20 miyembro ng Abu Sayyaf, patay sa isinagawang airstrike sa Basilan

Manila, Philippines – Umabot sa 24 na miyembro ng AbuSayyaf ang napatay matapos maglunsad ng air strike at indirect fire ang militarsa kampo ng mga bandido sa Barangay Pamatskaen, Sumisip, Basilan.
 
Lumalabas na pinagkutaan ang nasabing lugar ng Abu Sayyafsub-leader na si Furuji Indama.
 
Ayon kay 4th Special Forces Battalion Commmanding OfficerLt. Col. Andrew Bacala –  ginamitan nila ng supersonic fighter jets angmga bandido, bukod pa sa mga kanyon at baril.
 
Narekober ng militar ang mga materyales sa paggawa ngbomba, mga pagkain at tatlong live I-E-D’s kung saan isa ang sumabog naikinasugat ng dalawang sundalo.
 
Dahil dito, tuluyan nakubkob ng militar ang kampo ng mgabandido.
 

Facebook Comments