Land Bank mobile banking branch, inilunsad sa Philippine National Police Camp Crame

67

Isang mobile banking branch ang inilunsad ng LandBank of the Philippines (LandBank) sa PNP Grandstand Camp Crame, Philippine National Police (PNP) sa Quezon City.

Pinangunahan ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, Executive Vice President Julio Climaco Jr. at iba pang opisyal sa PNP ang inagurasyon at blessing ng LandBank mobile branch nitong July 23.


Sa pamamagitan ng LandBank mobile branch, mas mapapadali na ang banking services ng mga kliyenteng nais mag-deposit, withdraw, makapag-encash, debit or credit memo, online collection payment at enrollment in e-banking facilities.

Samantala, aabot naman sa 100 na PNP recruits at 10 police officer ang nagbukas ng kanilang LandBank ATM at payroll accounts.

Facebook Comments