VP Robredo, handang talakayin ang plano sa 2022 kasama si dating Senador Trillanes

295

Handang talakayin ni Vice President Leni Robredo ang kaniyang mga plano sa 2022 national elections kasama si dating Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ay matapos ang pagbatikos ni Trillanes sa social media nang nakipagpulong si Robredo kina Senate President Vicente Sotto III, Senator Richard Gordon at Senator Panfilo Lacson ng kaniyang mga plano para sa susunod na eleksyon.


Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, nakipag-usap lamang sina Robredo kina Lacson at Gordon para sa posibleng alyansa ngunit wala pang pinal na desisyon ukol dito.

Samantala, inihayag naman ni Gutierrez na bukas pa rin si Robredo sa pagtakbo bilang pangulo sa 2022 elections.

Facebook Comments