Land Bank, nagpakitang gilas matapos punahin ng Pangulo

Matapos punain ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ika-apat na SONA, nagpalabas ang Land Bank of the Philippines ng inisyal na P5 billion na pautang at naglabas ng mga bagong Certificates of Land Ownership Awards (CLOAs) para sa paglilipat sa mga magsasaka nang ganap na kontrol sa sinasaka nilang mga lupa.

Ibinigay ngayon  Land Bank of the Philippines sa Department of Agrarian Reform (DAR) ang abot sa 208,895 CLOAs para sa distribusyon ng  abot sa  354,783 na  ektarya ng lupa sa mga agrarian reform beneficiaries.

Kabilang sa tumanggap na ng kanilang CLOAs ay nasa 13,585 ARBs mula sa  Sultan Kudarat, North Cotabato, South Cotabato at Sarangani Province.


Ang Land Bank ay nagsisilbing financial intermediary sa implementasyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

Kabilang sa tungkulin nito ay kwentahin ang value ng lupa na nakuha ng DAR para sa distribution sa mga ARBs.

Facebook Comments