Land Bank of the Philippines, nakatanggap ng Global Sustainable Finance Award

Nakatanggap ng Certificate of Merit for “Best Innovation in Financial Services” ang Land Bank of the Philippines (Landbank) sa ginanap na Karlsruhe Sustainable Finance Awards sa Germany.

Ito na ang ika-walong beses na nakatanggap ng kaparehong parangal ang Landbank simula taong 2013.

Ang nasabing pagkilala ay dahil sa matagumpay na implementasyon ng “Enhanced Environmental and Social Safeguards Relative to Credit Delivery” o ang makabagong pamamaraan ng pagsasagawa ng Environmental and Social Due Diligence (ESDD) sa lahat ng bank-financed projects at accounts.


Tiniyak naman ni Landbank President and Ceo Cecilia Borromeo na ipagpapatuloy nila ang paggawa ng mga hakbang upang mapanatili ang environmental at social sustainability sa kanilang mga polisiya at kultura.

Facebook Comments