Idineklara na ang 30-araw na martial law sa Ukraine.
Ito ay matapos magbabala si Ukrainian President Petro Poroshenko na lulusob o sasalakay ang pwersa ng Russia sa ilang bahagi ng kanilang bansa.
Ayon kay Poroshenko – kailangan nang ipatupad ang batas militar para paigtingin ang kanilang depensa kasunod na rin ng pag-aagaw ng Russia sa kanilang tatlong naval ship at ikinulong ang mga tripulante nito.
Tiniyak ng Ukrainian leader na hindi nito maantala ang nakatakdang nilang halalan sa susunod na taon.
Kasabay nito, hindi nagustuhan ni U.S. President Donald Trump ang sitwasyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Kinondena na ng European Union, Britain, France, Poland, Denmark, at Canada ang pagiging agresibo ng Russia.
Nanawagan naman ang Germany ng dayalogo.
Nagpahayag naman ng suporta ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa Ukraine lalo na sa pagtataguyod ng territorial integrity at sovereignty nito.