LAND REFORM | 500,000 ektarya ng lupa sa bansa, hindi pa naipapamahagi – DAR

Manila, Philippines – Aminado si Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones na aabot pa sa 500,000 ektarya ng lupa sa bansa ang kailangang ipamahagi sa mga benepisyaryo.

Ito ay kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isasailaim niya sa land reform ang Boracay.

Ayon kay Castriciones – karamihan sa mga lupa ay sa Isabela, Quezon, Bicol, Leyte at ARMM.


Target aniya sana ng ahensya na maipamahagi ang 50,000 hectares bawat taon, subalit posibleng hindi ito maabot.

Sa kaso naman ng Boracay, ilang bahagi ng isla ay tinukoy bilang agricultural and forest areas na maaring ipamahagi.

Facebook Comments