MISSILE ATTACK | DFA, patuloy na nakabantay sa sitwasyon sa Syria

57

Syria – Wala pang naiuulat ang embahada ng Pilipinas sa Damascus na may nadamay na Pilipino sa ikinasang missile attacks laban sa Syria.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Asec. Elmer Cato – patuloy silang nakaantabay sa sitwasyon sa Syria.

Nakikipag-ugnayan sila sa embahada para matiyak na nasa ligtas na kondisyon ang higit 1,000 Pilipino roon.

Sinabi ni Cato – tinarget ng missile attack ang mga kampo ng militar sa paligid ng Damascus kabilang ang isang kampo na isang kilometro lamang ang layo mula sa embahada.

Karamihan sa mga Pilipino sa Syria ay pawang mga asawa ng Syrian nationals at mga household service workers.

Facebook Comments