Land Transportation Management System, nais buwagin ni LTO chief Guadiz

Kinokonsidera na ng Land Transportation Office (LTO) na buwagin ang Land Transportation Management System (LTMS) na di umano’y ginagamit ng mga fixers upang i-renew ang driver’s license ng ibang tao.

Sa pagdinig ng Senado sa pondo ng Department of Transportation (DOTr), sinabi ni LTO chief Teofilo Guadiz III na walang facial recognition system ang LTMS na magbeberepika sana kung ang kumukuha ng seminar ay ang indibidwal na magrerenew ng kaniyang lisensya.

Dagdag pa ni Guadiz, lumalabas na 75 hanggang 80% ng mga sumasailalim sa eksaminasyon ng LTMS ay maaaring ibang tao at hindi ang magpapa-renew mismo.


Sa ngayon, pinoproseo na nila ang pagdagdag ng facial recognition at bawasan ang 15 oras na theoretical seminar.

Nakikipag-ugnayan na aniya ang LTO sa mga driving schools upang mapagdesisyunan ang katanggap-tanggap na bilang ng oras para rito.

Facebook Comments