Korte ng Thailand, kinatigan ang pagbabalik sa pwesto ni Thailand Prime Minister Prayut Chan-O-Cha

78

Balik sa pwesto si Thailand Prime Minister Prayut Chan-O-Cha matapos mag desisyon ang constitutional court ng Thailand na hindi pa ito lumalagpas sa 8-year term limit.

Dahil dito, mananatili si Prayut sa pwesto hanggang 2025 sakaling manalo sa nalalapit na national elections sa May 2023.

Ikinatuwa naman ni Prayut ang desisyon ng korte at sinabing gagawin ang lahat upang mabago ang bansa sa abot ng kaniyang makakaya.


Mababatid na sinuspinde si Prayut nitong Agosto kung saan humalili muna bilang caretake si Deputy prime minister Prawit Wongsuwan.

Facebook Comments