Land Travel Guidelines ng DOTr, posibleng rebisahin!

Posibleng rebisahin ng Department of Transportation ang ipinalabas nilang guidelines kaugnay sa Land Travel Restriction sa National Capital Region.

Kasunod na rin ito ng pagbugso ng mga pasahero na walang masakyan papasok sa kanilang trabaho kaninang umaga dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng community quarantine at social distancing.

Sa interview ng RMN Manila kay Office for Transport Security Administrator Usec. Raul del Rosario, bagamat inaasahan nila ang pagbugso ng mga pasahero na papasok sa kanilang mga trabaho, aminado siyang walang naihandang augmentation sa mga mananakay.


Bukod rito, malaking hamon din sa pamahalaan kung paano ipatutupad ang social distancing sa pagbugso ng mga mananakay sa Metro Manila.

Facebook Comments