Makikipagtulungan ang Landbank of the Philippines sa anim (6) na digital payment firms sa bansa para mapabilis ang pamamahagi ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).
Sa ilalim ng memorandum agreement na nilagdaan nitong June 30, 2020 nina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rolando Joselito Bautista at Landbank President at CEO Cecilia Borromeo, kasama ang G-Xchange, Inc.; PayMaya Philippines Inc.; Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC); Robinsons Bank Corporation; Starpay Corporation at Union Bank of the Philippines.
Ang mga kabilang sa SAP 2 ay ang mga pamilyang nasa lugar na nasa ilalim pa rin ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sa ngayon ay umabot na sa 6.74 bilyong piso ang naibahagi sa 1.3 milyong miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa pamamagitan ng kanilang cash cards sa ilalim ng SAP 2.