Landbank at DA, lumagda ng kasunduan para buksan ang ₱15-B loan special window para buhayin ang hog industry

Nagbukas ng bagong programa sa pautang ang Landbank of the Philippines upang suportahan ang local hog industry sa harap ng banta ng African Swine Fever (ASF).

Kasunod ito ng ginawang paglagda ng isang Memorandum of Agreement nina Agriculture Secretary William Dar at Landbank of the Philippines President Cecilia Borromeo.

Abot sa ₱15 billion loan ang inilaan ng state-run bank sa ilalim ng Special Window and Interim Support to Nurture Hog Enterprises o SWINE lending program.


Kabilang sa mga maaaring mag-avail sa SWINE Lending Program ay mga commercial hog raisers na rehistrado sa mga kooperatiba o farmer’s association, small and medium enterprises at large enterprise o asosasyon.

Ang mga eligible borrowers ay maaaring makapag-avail ng short term loan line o term loan na hanggang 80% ng kanilang total project cost o financing requirement na may 3% per year na interest sa loob ng tatlong taon.

Sa ilalim ng MOA, ang DA ang maghahanda ng listahan ng mga eligible program borrowers at magbibigay ng kaukulang assistance.

Ang lending program ay available hanggang December 31, 2021.

Facebook Comments