Good news para sa mga naghahanap ng investment o pamumuhunan.
Sa halagang 5,000 pesos minimum investment, pwedeng nang mag-purchase ng
Retail Treasury Bonds Tranche 24 (RTB-24 o Progreso Bonds) ang mga interesadong investor na tutulong sa pagpapaunlad ng Socio-Economic Development Initiatives ng bansa.
Ang programang ito ay sinimulan kahapon sa pamamagitan ng Virtual Qualified Institutional Buyers (QIB) investor’s briefing.
Pinangunahan ito nina Department of Finance (DOF) Sec. Carlos Dominguez, National Treasurer Rosalia De Leon, Landbank President and CEO Cecilia Borromeo, at Development Bank of the Philippines (DBP) President and CEO Emmanuel Herbosa.
Magtatagal ang RTB-24 hanggang ika-7 ng Agosto para makalikom ng pondo sa Socio-Economic Development Initiatives.
Para sa iba pang karagdagang impormasyon, bisitahin lang ang Landbank website na www.landbank.com.