Sa kabila ng banta ng COVID-19, mga kilos-protesta sa ikalimang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasado na

Sa kabila ng banta ng COVID-19, tuloy pa rin ang kilos-protestang isasagawa ng mga militanteng grupo sa darating na 5th State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 27, 2020.

Kabilang sa magsasagawa ng kilos-protesta ay ang samahan ng mga militanteng grupo, manggagawa, kababaihan, abogado, tsuper, LGBTQ, kabataan at iba’t ibang sektor.

Ilan sa mga isyung tatalakayin ay ang mabagal na aksyon ng administrasyong Duterte sa COVID-19 pandemic, pangingikil sa karapatang pantao at press freedom, Anti-Terrorism Law at ang hindi pakikipag-laban para sa West Philippine Sea.


Kasabay nito, binanatan naman nina opposition Senator Kiko Pangilinan, De La Salle President Armin Luistro at ng ilang militanteng mambabatas ang ilang isyu sa bansa sa kanilang isinagawang pre-SONA virtual press conference.

Pangunahing tinalakay ng oposisyon ang Anti-Terrorism Law, hindi maayos na pagtugon sa COVID-19 pandemic, pagsasara ng ABS-CBN, panggigipit sa press freedom, at kawalan ng trabaho.

Samantala, tiniyak ni Governance at Legal Expert Tony La Viña na “full force” ang gagawing pag-protekta ng mga abogado sa militanteng grupong lalahok sa protesta sa July 27, 2020.

Facebook Comments