LANDBANK, magbubukas ng panibagong branch sa Balanga, Bataan

30

Magandang balita para sa ating mga kababayan sa Bataan!

Ang Land Bank of the Philippines ay magbubukas ng panibagong branch sa Balanga, Bataan, ang LANDBANK Bataan Capitol Branch-Lite, ngayong Miyerkules, October 28, 2020.


Ang LANDBANK Bataan Capitol Branch-Lite ay magsisilbing Extension Office ng LANDBANK Balanga Branch at maghahatid ng serbisyo sa buong probinsya ng Bataan, kasama na dito ang dalawampu’t limang (25) barangay sa Balanga City, walong (8) munisipalidad, at mga ahensya ng pamahalaan.

Ito na ang ika-411 na branch ng LANDBANK sa buong bansa, at ika-apat sa probinsya ng Bataan, kasama ng iba pang branches nito sa Balanga City at mga munisipalidad ng Dinalupihan, Limay, at Mariveles.

Para sa iba pang updates, i-Like, Follow, at Share, ang official LANDBANK Facebook, Instragram at YouTube accounts na (@landbankofficial), at @LBP_Official naman sa Twitter.

Facebook Comments