PNP, nakapagtala ng 15 bagong COVID-19 cases kahapon

52

15 bagong COVID-19 cases ang naitala sa hanay ng Philippine National Police (PNP) kahapon, October 28, 2020.

Batay sa ito sa ulat ng PNP Health Service kaya naman umabot na sa 7,097 ang kabuuang COVID-19 cases at sa bilang na ito, 543 ang active cases.


Tatlo ang naitalang kaso ng COVID-19 sa National Headquarters at National Capital Region Police Office (NCRPO), dalawa sa Police Regional Office o PRO 7 at tig-isa sa National Operation Support Unit, PRO 4-A, PRO 6, PRO 9, PRO 10, PRO 12 at PRO 13.

Magandang balita rin dahil 21 ang mga gumaling kahapon sa COVID-19 sa hanay ng PNP kaya umabot na sa 6,532 recoveries.

Nanatili naman sa 22 ang nasawing PNP personnel dahil sa virus.

Facebook Comments