LANDBANK, magbubukas ng panibagong branch sa Himamaylan City, Negros Occidental

Magandang balita para sa ating mga kababayan sa Negros Occidental! Ang Land Bank of the Philippines po ay magbubukas ng panibagong branch sa Himamaylan City ngayong darating na Martes, November 10, 2020.

Ito ay tatawaging LANDBANK Himamaylan Branch-Lite na magsisilbing Extension Office ng LANDBANK Kabankalan Branch. Ito ay maghahatid ng serbisyo sa Himamaylan City at mga Munisipalidad ng Binalbagan, Hinigaran, at Isabela, pati na rin sa mga ahensya ng pamahalaan dito.

Ito na ang ika-412 na branch ng LANDBANK sa bansa at ika-labing-isa (11) sa probinsya ng Negros Occidental.


Sa pagbubukas ng naturang branch, magdadagdag din ang LANDBANK ng isang ATM kaya’t magiging 38 na ang bilang ng ATMs sa probinsya.

Inaasahang pangungunahan ni Himamaylan City Mayor Rogelio Raymund I. Tongson, Jr., Vice Mayor Justin Dominic S. Gatuslao, at LANDBANK First Vice President at Head ng West Visayas Branches Group Delma O. Bandiola ang pagpapasinaya sa bagong sangay ng LANDBANK.

Para sa iba pang updates, i-Like, Follow, at Share, ang official LANDBANK Facebook, Instagram at YouTube accounts na (@landbankofficial), (@LBP_Official) sa Twitter, o kaya naman pumunta sa Official LANDBANK website na (www.landbank.com).

Facebook Comments