Manila, Philippines – Natukoy na ng PHIVOLCS ang mga landslide prone areas sa Ormoc City.
Ayon kay Director Renato Solidum, nakita nila ang mga ito sa kanilang isinagawang aerial inspection kung saan makikita ang mga barangay na nakatayo sa ilalim ng bundok na may mga gumuhong lupa.
Dahil dito, inirekomenda ni Solidum na huwag nang pagtayuhan ng tirahan ang mga lugar na delikado sa pagguho ng lupa.
Sinabi naman ni Ormoc City Mayor Richard Gomez – hahanap sila ng mas ligtas na lupa para sa mga apektadong residente.
Plano na ng lokal na pamahalaan na magsumite ng report kay Pangulong Duterte para sa karagdagang ayuda.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments