Manila, Philippines – Muling binuksan sa mga civilian volunteers ang retrieval operations sa lima pang nawawala sa nangyaring landslide sa bayan ng Natonin, Mountain Province noong Oktubre.
Ayon kay Natonin Police Station Chief P/Insp. Eduard Bigwil, kinakailangan muna magrehistro sa kanilang himpilan bago magtungo sa ground zero.
Tiniyak naman ni Bigwil na ligtas ang mga nagsasagawa ng rescue operations na pangunahing galing sa bayan ng Besao at Natonin sa Mountain Province at Aguinaldo, Ifugao.
Manu-mano aniya ang isinasagawang retrieval ng mga civilian volunteers gamit ang mga bareta at pala.
Facebook Comments