GOOD NEWS | Bigtime rollback sa langis – masusundan pa!

Manila, Philippines – Posible pang masunduan ang naitalang bigtime rollback sa presyo ng langis.

Ayon sa mga Energy Industry Sources – bubulusok pa ang presyo ng langis sa mga susunod na araw dahil sa dami ng suplay nito sa world market.

Kahapon, nauna nang nagpatupad ng dalawang pisong tapyas sa diesel at gasolina ang Phoenix petroleum.


Habang epektibo alas sais ng umaga sa Martes, magpapatupad din ng P2 bawas-presyo sa diesel at gasolina at Petro Gazz.

Dalawang pisong rollback din ang ipatutupad ng shell sa gasolina at kerosene habang P2.10 sa diesel.

Sa kabuuan, umabot na sa higit P12 ang ibinaba sa presyo ng gasolina at higit P10 sa diesel mula sa walong linggong sunud-sunod na rollback.

Bukod dito, umarangkada na rin ang bigtime rollback sa liquified petroleum gas (LPG) at auto LPG.

Facebook Comments