MANILA – Posibleng maulit ang landslide na panalo ni Liberal Party Presidential Bet Mar Roxas sa Cebu province tulad sa nangyari noong 2010 elections kung saan tumakbo siya bilang bise-presidente.Ito ay matapos ang masiglang pangangampanya nina Roxas at ang kanyang ka-tandem na si Rep. Leni Robredo sa Daanbantayan at Mandaue City.Ang Cebu ay ang probinsya na may pinakamalaking nakatalang mga botante kung saan umaabot sa 2.7 milyon ang rehistradong botante sa lalawigan.Tinalo ni Roxas sa Cebu si Bise-Presidente Jejomar Binay noong 2010 sa lamang na 600, 000 na boto.Inaasahang madadagdagan pa ang suporta kay Roxas dahil sa mga proyektong naipatupad ng Daang Matuwid.Nagwagi si Roxas sa lahat ng munisipalidad at syudad sa buong lalawigan at sa kapital na Cebu City ay nakakuha siya ng 240,000 boto kumpara sa 91,000 ni Binay.
Landslide Win Ni Liberal Party Presidential Bet Mar Roxas Sa Cebu Province, Malaki Ang Tyansang Maulit Ngayong May 9 Ele
Facebook Comments